Pagbabahagi ng aking karanasan sa Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan na ginanap sa Panama noong Enero 2019 - Sis. Joezel, legionary
Sa paglalakbay na ito, nakipagsapalaran ako kasama ng ibang mga delegado na walang kasiguraduhan sa kung ano at sino ang makikilala at mararanasan namin habang kami ay naglalakbay. Nais ko po sanang ibahagi sa inyo ang tatlong (3) matitingkad na karanasan sa paglalakbay na ito:
Una: (1) Ang mga pamilya sa La Peña na walang pagod na nag-aruga, umalalay, nag-asikaso at nagmahal sa amin sa halos limang araw na pananatili namin sa kanilang lugar. Ang kanilang kasiyahan, at walang pagod na pakikisama sa amin ay tunay na nakakataba ng puso. Gayundin, ang pagkakataon na makilala ang mga kabataan na naglilingkod sa parokya ng San Juan De Dios, sa pagbabahagi nila ng kanilang oras at talento ng walang pag-aalinglangan. They have so much energy na parang hindi nauubos. Isang paglilingkod sa Diyos na punong-puno ng sacrifices, commitment, and love. In every person, mapa-bata o matanda, I saw Jesus in them, full of love, full of sacrifices, commitment and love. Pangalawa: (2) Ang makita si Pope Francis, marinig ang kanyang mga aral, payo at mensahe para sa mga kabataan. Ang isa sa mga hindi ko makakalimutang aral na ibinigay ni Pope Francis na nais kong ibahagi sa mga kabataan ay mula sa 4 sa salita: “DO NOT STAND STILL”. It is like Pope Francis telling me that I should go on. That whatever I am doing now do not stop. Nagsimula ka ng tumugon, nagsimula ka ng lumakad, nagsimula ka ng gumalaw kaya huwag ka ng tumigil. Tinawag na kita, nandito ka na, saan ka pa pupunta? Naalala ko tuloy ang isa sa mga sharing namin noon sa isang gawain namin sa Legion of Mary, ang block rosary, we had this sharing for bibliarasal sa Bukluran ng Sta. Monica, ang tanong kasi bakit ka naglilingkod? Which I replied, “the only thing that I can give to the Lord is my time”. Noong mga panahon na iyon kasi ang sipag ko pa, every day after work, from Monday to Friday evening - Block Rosary, sa weekends naman Sick Visit at various meetings. Pagkatapos noon, napagod ako, so hindi ko na namalayan nawawalan na din pala ako ng time kay Lord. Pinaalala sa akin ni Pope Francis sa mensahe niya ang linya ko noon: “the only thing that I can give to the Lord is my time”. Para sa mga kabataan, ang oras ay hindi pinagkakait ni Lord, kung busy ka, busy din Siya, pero hindi Siya kailanman naging mareklamo kung nakakalimutan natin Siya. Ang nais lang Niya ay magbahagi tayo ng oras, lakas, talento para sa kanya. DO NOT STAND STILL…YOU ALREADY START WALKING THEN YOU ARE ALREADY A DISCIPLE. Pangatlo (3): Bilang isang Katoliko, sa paglalakbay na ito masasabi ko na ang pagmamahal at debosyon ko sa Mahal na Birhen ay walang katulad. I never boast my devotion to Mama Mary to anyone (except this time), from the very start of my journey - from announcement of delegates hanggang sa mag-uwian na, I know that the Blessed Virgin Mary is with me. She accompanied me from my journey, hindi ko malilimutan na siya ang naging sumbungan ko sa lahat ng saya, pagod, iyak, tuwa sa paghahanda para sa WYD. The blessing of praying the Holy Rosary every day is so powerful that I make it to the World Youth Day. Ang makita ang imahe na Mahal na Birhen ng Fatima na galing Portugal ay isa din sa mga highlights ng aking pilgrimage. Para na din akong napunta sa Portugal, it is like, hala! Sinusundan ako ni Mama Mary. Bukod kay Pope Francis, it was a blessing for me na makita at makapagdasal ng Rosaryo sa imaheng iyon na galing mismo sa bansa kung saan siya nagpakita, ang Mahal na Birhen ng Fatima ng Portugal. Sa pagtatapos, huling mensahe na nais ko pong iparating ay ang pagtawag sa paglilingkod sa Diyos na tulad ng pagtugon ng Mahal na Birhen, ang tema ng World Youth Day na mula sa Luke 1:38 “I am the handmaid of the Lord, be it done to me according to thy words”, ay isang mensahe ng pagtugon sa Diyos. Sa pagtugon natin na nagbibigay ng assurance kay Lord that we will serve without hesitation, just like Mary when she say “YES” to the Lord. How much YES we can give, when we will be able to say YES? Be like Mary, she said YES, & so I am & hope you do!, sabi nga ni Pope Francis, “to be at the service of others does not only mean to be ready for action, it means also to be in conversation with God with an attitude of listening, just like Mary. She listened to what the angel said to her and then she responded”. Muli po, pasasalamat para sa inyong lahat na tumulong sa amin, kasama ni Bert at ni Dyan. Para kay Kristo sa pamamagitan ng Mahal na Birhen! Muchas Gracias Parroquia de San Guillermo De Maleval MAIKLING KASAYSAYAN NG PAROKYAAng orihinal na Bahay na Dalanginan (Bisita) ng nayon sa pook na ito ay itinayo noon pang panahon ng pananakop ng mga Kastila at nasa ilalim ng pamamahala ng Parokya ng Immaculada Concepcion ng Pasig.
Sa pamamatnubay ng mga Misyonerong CICM at ng Barrio Pastoral Council, isang Multi-Purpose Center ang napalit na nabasbasan ng Kanyang Kabunyiang Jaime Cardinal L. Sin, D.D., Arsobispo ng Maynila noong Mayo 1, 1979. Abril 26, 1993 nang itatag ang Parokya ng San Guillermo na magkasama ang Barangay Buting at Barangay San Joauin. Itinalagang unang Kura Parokya si Rev. Fr. Jesus-Romulo C. Rañada noong ika-4 ng Hulyo 1993. Pinasimulan ang pagtayo ng bago at panalaking Simbahan noong ika-2 ng Oktubre 1993 sa tulong at pagsisikap ng Parish Pastoral Council, mga taga-parokya at mga tagapagtangkilik. Natapos at itinalaga noong ika-10 ng Abril 1994 ng Kanyang Kabunyian Jamie Cardinal L. Sin, D.D. Ang Parokya ng San Guillermo ay binuo ng dati-rating tatlong barrio pastoral councils, ang Buting, San Joaquin at Sitio Ulilang Kawayan. Ang naging pangalawang Kura Paroko ay si Rev. Fr. Dennis Odiver mula Setyembre 1995 hanggan g Mayo 1997. Sa kanyang pamumuno, naipaayos at napaganda ang San Joaquin Chapel. Nagsagawa ng maraming mga formation seminars para sa mga lider ng simbahan. |
Free TINIG (Official Newsletter of San Guillermo Parish) Download HERE!
SAN GUILLERMO PARISH
E. Mendoza St., Buting, Pasig City Telefax: 8642-8051 Titular: St. William the Hermit Feast day: February 10 Parish Priest: FR. EDMOND R. REYNALDO |